Muntik nang magkasabay-sabay! Mga estudyanteng sablay ang dance moves, nagdulot saya sa netizens

Kahit hindi makuhang magsabay-sabay ang dance moves, aliw pa din ang mga netizens sa confidence level ng isang grupo ng estudyanteng nag-perform sa school.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kadalasan ang goal ng mga school performance ay ang synchronized dance step. Ngunit para sa grupo ng estudyanteng ito, mukhang kahit hindi sabay-sabay ang kanilang mga hakbang ay benta pa din sila sa kanilang mga supportive na audience.

Sa isang video na inupload ng Pilipinas Overload, nagbiro na lang ang admin na mabuti pa ang problema niya, sabay-sabay dahil halos walang itinama sa step ang mga kabataang performer sa kanilang school event.

Mabuti na lang at talagang suportado sila ng kanilang mga kaklase na panay ang tili at palakpakan na para bang nanonood sila ng concert ng ENHYPEN sa lakas ng datingan.

“Galing niyo at nakaka aliw kayo”

“Muntik ng magkasabay sabay ah”

“Tagsa nig choreographer ba. Wow. So proud of you guys.”

“Ok lang kahit hindi sabay sabay kc napasaya nman nila ang manunuod,.”