Muntik nang maging kwento: SB19 Justin at Stell, ikinwento ang kanilang 8KM bike adventure sa Canada

Kabayan to the rescue ang naging eksena ng SB19 members na si Jah at Stell matapos nilang mapagod ng todo sa 8-kilometer bike ride nila sa Vancouver.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ibinahagi ng bunsong miyembro ng SB19 na si Justgin de Dios na muntik na silang maging kwento ni Stell Ajero nang ma trip-an nilang mag bike ride sa Vancouver.

Ayon kay Justin, umupa daw sila ng bike ni Stell sa English Bay Seawall, at nagbisikleta hanggang Capilano Bridge. Chika pa niya, napagod sila sa haba ng biyahe lalo nang paahon sa Lions Gate Bridge pero kinaya naman nila. Inabot din sila ng 8 kilometers one way kaya naman namroblema silang parehas kung kakayanin pa nila mag bike pabalik.

Buti na lang to the rescue ang isang kabayan na nakapansin sa kanila kaya naman nila nalaman na pwede nang mag free bus ride pabalik.

“Salamat Kuya, pinoproblema na namin paano babalik eh 😂 Sumakit yung paa ko malala, pero sulit na sulit!” ani Jah.

Natuwa naman ang mga A’TIN sa kwento ni Jah lalo na at nalaman naman nilang safe sila pareho ni Stell.

“awww nice trip jah!”

“Abang kami sa vlog mo jah “

“Salamat sa kwento Jah…ramdam namin na nag-enjoy kayo kaya masaya na din kami”