Muntik nang ikasal sa grocery? Walkalator moment na nagmukhang kasalan, nagpatawa sa netizens

Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung saan-saan talaga tayo dinadala ng imahinasyon, lalo na kapag may halong classic na Pinoy humor.

Sa nakakatawang viral TikTok video ni eNJoy Life and Travel, isang ordinaryong grocery run ang biglang nagmukhang romantic wedding dahil sa walkalator moment at extra accommodating na crew sa grocery ng SM Aura.

Habang pababa ng walkalator ang babaeng may grocery cart, makikitang may lalaking crew na nakapwesto sa dulo para alalayan siya. Dapat simpleng tulong lang ito, pero naging full-blown comedy nang lagyan ni NJ ng background music na “I Just Fall In Love Again” ni Sarah Geronimo, na kilalang tugtog sa mga kasal.

Dahil dito, nagmistulang groom ang crew na tila nakaabang sa altar, habang ang customer naman ay parang bride na handang ihatid sa aisle kahit grocery day lang talaga ang agenda.

@njdmts Na para bang ikakasal sila.😂 #sm #fyp #fyppppppppppppppppppppppp #fypage @SM Store Official ♬ original sound – taraveltheworld – taraveltheworld🇵🇭🇦🇪

Halos maluha sa tawa ang netizens sa comment section:

“Parang nateary eyed pa si kuya haha”

“mapapa ‘kuya, what are we?’ ka nalang”

“Ahahaha LAROO KA MAAA 😭😂”

“GRABE YUNG TAWA KO DITO HAHAHAHA”