Isa na marahil sa pinakamasasayang vlogs ang pagsasama ng primetime princesses ng Kapamilya at Kapuso networks na sina Kim Chiu at Barbie Forteza sa kanilang collab vlog kung saan wala nang ginawa ang dalawang kikay stars kundi tumawa ng tumawa.
Sa kanilang video kung saan nagsama ang Chinita Princess at GMA Primetime Princess sa vlog ni Kim, naglaro ang dalawa ng This or That at Never Have I Ever.
Halatang-halata na magka-vibes ang dalawa lalo pa’t patungkol sa mga hirit tungkol sa pag “mu-move on” mula sa isang role papunta sa susunod. Patok din sa fans ang matalinong pagsagot ng dalawa sa mga tanong maging sa kanilang natural na sense of humor na nakakakahawa sa good vibes.
Tuwang-tuwa din ang fans nina Barbie at Kim na akala mo ay matagal nang close dahil sa kanilang batuhan ng jokes. Sa katunayan, marami ang nagbabala na huwag gumamit ng earphones sa panonood ng video dahil panigurong sasabog ang eardrums ng mga ito sa lakas ng hagalpakan at energy ng dalawa.
Marami din naman ang humirit ng romcom or comedy project para kay Kim at Barbie dahil sa natural nilang chemistry.
Mapapanood din ang mga kalolokan ng dalawa sa vlog ni Barbie na Coffee Talk.
“WOW CHINITA PRINCESS and BARBIE in one Frame oh em gi as in mga LODS …. we love BARDA and KIMPAU ..”
“The two primetime princess of both networks!”
“Ganda nila panuorin magkasama,pag ganito palagi c barbe lots of fun ,kasi c Kim palaging tawa ng tawa,nakakahappy ng mood araw araw”
“GMA and ABS-CBN bigyan nyooo toooo ng project together.. sure ako sasabog ang mga sinehan”