Isa si Boy Abunda sa mga pinakasikat na talk show hosts sa Pilipinas hindi lamang dahil sa galing niyang mag-interview kundi dahil na din sa kanyang kakaibang estilo sa pagsasalita na tumatak na sa mga Pilipino.
Sa isa sa pinakabagong skit ng “Bubble Gang,” tila napadpad ang mga manunuod sa “Multiverse of Baldness” nang mag-guest si Tito Boy na gumanap na Boy, na anak ni Bitoy, na may kapatid na Buboy, Koy, at Noy. Sa skit, pilit ipinapaalala ng magkakapatid sa kanilang maysakit na ama kung saan nito ang malaking mana na ibibigay niya sa mga anak kapag siya ay pumanaw.
Upang maalala ng kanilang ama ang pinaglagyan ng mana, ginamit ni Boy ang FASTTALK at ang kanyang mahiwagang salamin at kung ano-ano pang signature move.
Reak naman ng mga netizens:
“Galing nman hahaha dami long tawa”
“Solidd”
“Ang kulit hahaha”
“Astig talaga!”
“ahahahaha super funny!”