Mukhang K-drama star: Netizens napahanga sa pictorial ng anak ni Katrina Halili

Napahanga ang netizens! Tingnan ang pictorial ng anak ni Katrina Halili na si Katie na kamukha raw ng isang K-drama star!

Proud mommy ang peg ni Kapuso star Katrina Halili sa pictorial ng kanyang anak na si Katie.

Ipinag-pictorial kasi ng stylist na si Yanyan Forteza si Katie na may backdrop ng snow effect at mala pang Korea ang feels. Napahanga ang marami dahil sa galing ni Katie sa pag-project na tila daw namana nito sa kanyang mommy na isang artista.

Marami naman ang pumuri kay Katie na sabi ay may pagkakahawig kay Park Eun Bin ng “Extraordinary Attorney Woo.”

“reminds me of Extraordinary Attorney Woo ”

“Katie looks like a Korean Star ,so pretty God Bless and protect you always Katie.”

“Love it Katie! You’re beautiful! ”