Mukhang guilty! Pamilya ng mga asong dumekwat ng hilaw na karne, sinabon ng fur mom; viral sa TikTok

Aliw ang dala ng video ng isang pamilya ng mga aso na sinasabon ng kanilang fur mom matapos mahuling nanguha ng hilaw na karne
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizens ang video ng isang pamilya ng mga aso na sinesermonan ng kanilang fur mom matapos silang mahuling nang dekwat ng isang tipak na hilaw na karne na lulutuin sanang ulam.

Sa video na pinost sa TikTok ni Cathy Cruz, kita ang mag-anak ng mga aso na hindi malaman saan haharap para lang di makita ang galit na mukha ng kanilang fur mom.

Bukod sa tatay na nakatingin lang sa camera, kita ang ina at dalawa nitong tuta na halos gustuhin lamunin ng lupa dahil sa takot sa kanilang fur mom.

“Sino kaya ang maysala?” caption ni Cathy. “pov: di nyo na maantay si mama magluto.”

Dinig din sa video ang pananabon ni “Mama Cathy” sa mag-anak.

“Ayan ang maganak na kumain ng giniling.. Nalingat lang ako! Sino promotor sa inyo? Ikaw? Ikaw? Akala mo kababait! Kala mo mga inosente!” sabi ni Cathy.

@cathycruz_ sino kaya ang may sala? 🤔 #fyp #fypã‚· #fyppppppppppppppppppppppp #viral #dog #dogsoftiktok ♬ original sound – Mama Cathy

Agad namang gumatong ang isang netizen na napansin ang isang anak na aso na tila gustong maging hunyango habang sinasabon.

“yung isang dog sa gedli: ‘ano to’ dingding? kakulay ko naman ata baka di ako makita’.”

Patawa namang nagtanong ang isa pang netizen na kinumpara kung paano sila pagalitan ng kanilang magulang at ang kanilang mga fur babies.

“bakit pag yung aso pinapagalitan ang lumanay ng boses bat pag kaming mga anak parang dinosaur na bigla.”