Patok sa mga netizens ang post ng aktres na si Neri Miranda matapos na siya mismo ang hindi nakatiis laitin ang sarili sa larawan niya with 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Sa kanyang post sa Instagram, walang alinlangangan sinabi ni Neri na nagmukha siyang tiyahin ni Catriona kahit na todo effort siya sa pagpapaganda.
“Yung nag effort kang mag ayos tapos tumabi ka kay Catriona, nagmukha ka tuloy Auntie nya! Hahaahahahahah!” sabi ni Neri.
At matapos itodo ang paglait sa sarili, pangmalakasan naman ang pagpuri niya sa pangapat na Pilipina na tinanghal na Miss Universe.
“Ang ganda ganda mo talagaaaaaaaaa! My favorite Ms Universe @catriona_gray,” sabi ni Neri.
Di naman sumangayon ang mga netizens sa sinabi ng “Wais na Misis” na si Neri na mukha siyang tita ni Catriona. Ayon sa mga netizens, pareho silang mukhang fresh at maganda.
“Di ko namukhaan na si Ms. Neri pala. Akala ko sister ni Catriona.”
“Hindi ka po mukhang auntie. You look so young and look as taylor swift!”
“Parehong maganda super.”
“Di ka po mukhang Auntie. You both look young and fresh.”