Mukbang for doggos! Gaisano Grandmall, hinangaan bilang safe space at tambayan ng mga strays

Hinangaan ang Gaisano Grandmall dahil sa pagmamahal at pag aalaga na ibinibigay nila sa mga aspin na walang tahanan.

Hinangaan ng mga netizens ang Gaisano Grandmall Basak sa Cebu dahil sa pagiging mabait nila sa mga stray dogs.

Sa harap ng establisyimento, nakabungad na agad ang dalawang planggana na pinaglalagyan ng dog food, maging ang mga container ng tubig para makainom ang mga ito.

Pati ang mga guards ay magigiliw din sa mga asong nakikikain sa entrance ng mall kaya naman kampanteng-kampante ang mga ito na tumambay dito.

Inulan naman ng netizens ng papuri ang nasabing mall:

“Gaisano Basak thank u”

“God bless this store …god bless din sa mga guard na nag aalaga sa mga aso pusa”

“Salute po sa ganitong establishment”