Mr. Beast, is that you? Free karinderia ng isang vlogger, bumusog sa daan daang katao

Binusog ng isang vlogger ang daan daang katao na nakinabang sa kanyangf free karinderya

Masarap talagang kumain basta libre kaya’t ito ang ginawa ng vlogger na si kingLuckss sa kanyang pinakahuling video na nagpasaya sa maraming tao.

Paano ba naman, sa loob ng isang linggo, bumuo ang kanyang team ng isang giant kubo kung saan makakakain ang daan daaang katao sa kanyang free karinderya.

Mula tanghalian, hanggang inabot na ng gabihan, walang tigil sa pagdami ang mga tao na nakapamili sa 20 putaheng inihanda ng vlogger para sa mga tao. Pumara din sila ng mga motor at bus para tumigil ang mga sakay nito at makisaya sa mga kumamain sa free karinderya.

Nag mistulang Mr. Beast ng Pilipinas si kingLuckss sa araw na iyon dahil sa sobrang saya ng mga nabusog ng kanyang karinderya na tila walang katapusan ang pagdaloy ng pagkain.

“1 week mahigit ang ginugol, over the budget na gastos, gutom, pagod at on the spot pressure sa mismong shoot. Para magawa tong malakasang content para sayo. Kahit lampas na sa budget, tinodo pa rin natin to,” ani kingLuckss sa comments section.

Aniya, sa mga nagdaang video ay wala din siyang mga naging sponsor ngunit kung sa susunod na may gustong tumulong para maituloy niya ang ganitong klaseng content ay malugod naman niya itong tatanggapin.

Ito ay ilan lamang reaksyon ng mga viwers:

“Napanood koto idol. Grabe break mo ang records ng mga vloggers… Bongga talaga. Halos buong tao na sakop ng lugar mo nakatikim ng pa lebreng karinderya mo. Sana try mo rin sa Iloilo.. Good job lodi. GOD will bless u more to serve people who needs.”

“Etong vloger lng nakita ko na sobrang matulungin sa kapwa pilipino kahit sir geybin di nya kayang Gawin Yung ginawa Neto kaya saludo ako sayo sir king lucks big fun mo ako Sana pagpalain lapa Ng poong maykapal”

“Wow!amazing Free Karenderya libreng pagkain Congratulations KingLuckss thank you for sharing your blessings to others more blessings to come and continue your good work”