Move over luxury bag! Nirampa na bag ni Heart Evangelista sa Paris gawa ng UP student

Proud na nirampa ni Heart Evangelista sa Paris ang bow bag na gawa ng isang estudyante sa UP.

Todo suporta talaga sa local Filipino designers ang international fashion icon na si Heart Evangelista matapos i-flaunt ang bow bag sa Paris, France, na gawa ng isang eatudyante ng University of the Philippines-Diliman (UPD).

Aakalain mong isa ring popular designer bag brand ang gawa ng UPD Clothing Technology student na si Reese Collins Latonio nang gamitin ito ng Kapuso actress na kilala sa madalas nitong pagrampa o pag-attend sa mga fashion show sa isa sa Paris.

“A bag full of LOVE,” ang caption pa ni Heart sa kanyang Instagram post na kung saan nag-match ito sa kanyang suot na damit.

Kung may pagkakataon, ginagamit ni Heart ang nakukuhang worldwide attention para i-promote ang mga gawa ng Filipino designers sa global stage.

Nag-shoutbout din si Heart sa mga iba pang Clothing Tech students ng nasabing unibersidad. Matapos i-tag ni Heart, nagpasalamat naman si Reese.

“[Y]our heart, passion, and talent will always win,” komento niya sa IG post ni Heart.