Most romantic royal! Dating butler ng royal family, may chika tungkol kay Prince William

Detail-oriented pala sa pagsosorpresa ang future king ng England na si Prince William sa kanyang asawang si Princess Kate.

Detail-oriented pala sa pagsosorpresa ang future king ng England na si Prince William sa kanyang asawang si Princess Kate.

Bongga pala manorpresa ang Prince of Wales na si Prince William sa kanyang asawang si Princess Catherine o kilala din bilang Princess Kate sa karamihan. Tsika ng kanilang dating butler na si Grant Harrold sa Geo TV, very romantic daw si Prince William kaya’t kahit sa pinakamaliit na detalye ay pinaparamdam niya sa asawa na ito ay espesyal lalo na tuwing Valentine’s Day.

Ani pa ng butler, lahat ay ginagawa ni Prince William para iparamdam sa kanyang kabiyak na naa-appreciate niya ang lahat ng ginagawa nito.

“He’s the most romantic royal. I remember doing one of my first dinners for the two of them, and it was around Valentine’s Day. He was involved in all the planning, he had thought everything out. He thought about how the table was going to look, every detail,” pagbabahagi ni Grant.

Agree naman ang mga netizens sa nakikita nilang pagpapahalaga ng prinsipe sa kanyang future queen.