Mga K-pop at K-drama lovers, mas malaki na ang pagkakataong makakuha ng flight sa South Korea sa pagbubukas ng 10,000 bagong seats kada linggo patungong Incheon.
Ayon sa ulat ng Inquirer, kinumpirma ng Department of Transportation (DoTr) na nagkasundo na ang mga pamahalaan ng Korea at Pilipinas para taasan ang bilang ng seats sa pagitan ng Manila at Incheon mula sa 20,000 kada linggo hanggang 30,000.
Ang hakbang ay para lalong lumago ang turismo sa pagitan ng dalawang bansa.
Mayroong 20,000 seat travel cap sa pagitan ng bansa sa loob ng pitong taon para sa Manila-Incheon route. Wala namang travel cap ang flights mula sa ibang airports mula sa Pilipinas patungong Incheon.