More please! Tatay series ni Jerald Napoles, patok sa mga bakasyonistang gustong makasulit

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa #TataySeries ni Jerald Napoles dahil nakaka relate sila sa pagbabagong anyo ng mga tao habang bakasyon.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kapag nagbabakasyon, mahilig manulit ang mga Pinoy. At kung sino ang nagbabayad, syempre siya ang dapat manguna.

Sa patok na #TataySeries ni Jerald Napoles, bentang-benta sa netizens ang pangongopya niya sa mga tatay na siyang nagbabayad para sa outing ng pamilya.

Mula sa mga tatay na nagpapabukas ng aircon at naninimot ng laman ng mini ref.

Pati mga tatay na biglang nagla live sa Facebook dahil gusto mag flex ng bakasyon, tawang-tawa ang mga madlang nakaka-relate sa ganitong asta ng kanilang padre de pamilya.

“Dapat may bigote tska, gold na kwintas tpos naglalakihang mga singsing hahahahaha” “tay sino po ung hindi nag flush” “’yung aircon wag nyo papatayin bayad yan’ HAHAHAHAHAHAHAHA” “Ganyan dapat mag live puro mokha mo makikita”