Mommy nag-honest review sa nutritional wafer ng DepEd para sa mga estudyante

Patok sa mga mommies ang honest review ng kapwa nila nanay na tagaubos ng DepEd wafer ng kanilang anak.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang ina ng estudyanteng nag-aaral sa isang DepEd school ang nagbigay ng kanyang food review sa ipinamimigay na Fortified Wafer Nutri pack na bahagi ng feeding program sa kanilang eskwela.

Ani ng ina, mas bet niya ang lasa ng libreng wafer kumpara sa mga nabibili sa mga supermarket dahil sakto lang ang tamis nito. Para naman sa kanyang anak, medyo matabang daw ito kaya’t ang nangyayari, si mommy na lang ang nag-aalmusal ng wafer ng DepEd.

“Salamat po deped kasi tumaba po ako at lumakas, tuwing umaga ito po almusal ko dahil matabang daw sabi ng anak ko pero ang sabi ko tama lang sa panlasa ko nak hindi naman matabang. ” aniya.

Natawa na lang ang mga netizen na naka-relate sa pagiging tagakain ng pagkaing ayaw ng kanilang mga anak:

“ung tinapay lasang feeds sabi ng anak ko mama smell this its smell like the chicken food”

“Ayaw din ng anak ko Nyan .kami kumakain Ng papa nya”

“Mga nanay tlga Ang taga kain, kahit ung mga tinapay na carrot flavor gnyan hahaha ung milk masarap..”