Mommy moment ng kapatid ni Andrea Brillantes sa isang throwback video, kinaantigan ng netizens

Viral ang emotional throwback ni Aan Gorostiza tungkol sa pangarap niyang maging ina na ngayon ay natupad na.

“Mom glow,” ika nga ng marami.

Sa viral TikTok video na ibinahagi ng content creator na si Aan Gorostiza, naging emosyonal ang kanyang throwback kung saan sa isang luma niyang vlog, mithiin niyang maging isang nanay, at ngayon, masaya niyang ipinapakita na natupad na iyon at may cute at healthy baby girl na siya.

Aminado si Aan na mas buo at masaya ang buhay niya ngayon bilang ganap na ina. “Thank you, I’m a mommy now,” sabi niya habang yakap ang kanyang pinakamamahal na anak.

@aangorostizuhhh Mommy loves you so much!!!!! 😭❤️‍🩹 #momsoftiktok #motherhood #firsttimemom ♬ original sound – aangorostiza

Emosyonal na ipinarating ng mga netizens ang kanilang pagmamahal at suporta kay Aan sa comment section:

“a silent fan 🥺 proud of u hot momma! 💕💕”

“Motherhood looks good on you.”

“Pretty mom♥️✨”