Kahit na marami na siyang nagawa para sa taong ito na kaiinggitan ng ibang mga bata, mukhang may dumaig na sa pagcocosplay na Rumi at pakikipag sayaw sa Streetboys sa listahan ng cute celebrity baby na si Sarina Hilario.
Kitang-kita kasi sa mata ng bagets ang kanyang excitement ng makaharap niya ng face to face ang mga karakter na sina Judy Hopps and Nick Wilde mula sa Zootopia 2. Sa sobrang excited nga ng bagets ay napatili pa ito at dire-diretso na siya patungo sa mga mascot at hindi na napansin ang Disney cast member sa gilid na bumati sa kanya.
Bukod sa hugs ay nakipag photo op din si Baby Sari sa kanyang mga paboritong characters at cute na cute naman sa kanya ang mga staff ng Disney sa Shanghai Disneyland.
“Hahaha as soon as she screamed, I can hear someone said “ oh my goodness ! “
“Genuine reaction Sari …so adorable”
“Ang bibo talaga nya ”