Mobile vet lab aarangkada na sa Western Visayas para healthy ang mga alagang hayop sa bukid!

Mobile veterinary and molecular laboratory malaking tulong na ma-control ang mga animal infection sa Western Visayas.

Malaking tulong sa kabuhayan ng mga livestock at poultry farmers kung healthy ang kanilang mga alagang hayop.

Kaya naman inilunsad ng Department of Agriculture-Western Visayas ang isang mobile veterinary at molecular laboratory para mas maging accessible pa sa mga magsasaka ang medical at diagnostic services para sa kanilang mga alagang hayop.

Kayang masuri ng mobile lab na ito ang iba’t ibang uri na mga sakit na tumatama sa mga alagang hayop, tulad ng Nipah virus, Japanese encephalitis, tuberculosis, swine flu at monkeypox.

Ayon sa ulat ng Manila Standard, sinabi ni Zarlina Cuello, Regional Technical Director for Research and Regulations, na sa pamamagitan ng mobile veterinary lab, mas mababantayan ng maigi ang kalusugan ng mga hayop at magkakaroon ng sustainable practices ang mga stakeholders.