Mobile library ng isang prof sa isang plaza sa Iloilo, bagong tambayan para sa mamamasyal

Naisip ng guro na si Jonny Bernas Pornel, isang Palanca Award-winning writer, na maglagay ng mobile library sa plaza sa bayan ng Oton sa Iloilo upang hikayatin ang publiko, lalo na mga kabataan, na magbasa.

Susi sa pagbubukas ng pinto sa kaalaman ang pagbabasa ng aklat. Kaya naman naisipan ni Palanca Award-winning writer na si Jonny Bernas Pornel ng University of the Philippines High School sa Iloilo City na maglagay ng mobile library sa public plaza ng kanilang lugar sa Oton, probinsiya ng Iloilo.

Sinuportahan ng lokal na pamahalaan ng Oton ang layunin na ito ng guro at inilunsad ang Oton Municipal Mobile Library upang manumbalik ang interes ng publiko sa pagbabasa. Binuksan ito ngayong buwan ng Setyembre kung saan ipinagdiriwang ang International Literacy Month.

Pinili rin ni Professor Jonny ang public plaza bilang lokasyon ng mobile library dahil marami anya ang namamasyal sa lugar at para ma-enganyo na rin sila na magbasa.

“The plaza is a place for people of all ages, where they can gather, relax, and connect with one another — and this time as a place for reading and learning,” ayon kay Prof. Jonny sa panayam ng Rappler.

“These books should be brought to the people, not the other way around. We associate libraries with a serious setting, for academics, and that can be off-putting. But when books come to you, it’s a different feeling,” dagdag pa niya.

Naging maganda rin ang ideya na ito dahil marami ang umaattend sa mga reading sessions at storytelling activities sa lugar.

Mayroong libro para sa lahat ng edad ang mobile library kabilang ang coloring books, storybooks, cookbooks, at mga nobela.

“Books are really important because they make you think, they make you visualize things on your own. Those people who grew up reading books have great imagination,” saad ng guro.