MMFF 2023 nagtala ng pinakamalaking kinita na umabot sa P1.069 billion

Naging matagumpay ang 2023 MMFF ayon kay MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando Artes.

Laking pasasalamat ng bumubuo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa mga tumangkilik ng pelikulang Pilipino matapos umabot ng Php1.069 billion ang gross sales nito mula December 25, 2023 hanggang January 7, 2024.

Ayon kay MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando Artes, nalagpasan na ng 10 official entries sa ika-49 edition ng MMFF ang kinita nito noong 2018.

“This is despite the fact na noong 2018, almost 1,200 cinemas po ang open. This year po, nasa 800 lamang yung sinehan natin. Marami pa pong sara. Siguro po masasabi natin na yung success po ng 2023 MMFF ay due to the quality of the films we offered,” pahayag ni Artes.

Sa ulat ng Bandera, nasa Php 1.061 billion ang kinita ng MMFF sa dalawang linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan. Obserbasyon nila, ayon kay Artes, mas marami ang nanood mula sa class A, B and C.

“Dahil sa mga comments po ay nakita naming maraming nanood ng dalawa, tatlo o mas marami pa na pelikula. At yun pong observation namin dito, before ang bulk po ng nanonood ay CDE market. Ngayon po halos na-cover natin pati yung nga A, B, and C.