Nag iisa lang ang historical film na napabilang sa 10 tampok na pelikula sa Metro Manila Film Festival 2023 pero ayon sa isang nakapanuod ng GOMBURZA, dapat talaga itong panuorin ng bawat Pilipino.
Ani Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Bishop Pablo Virgilio David o Bishop Ambo, maganda ang ginawang pag re-research ng mga filmmakers bago nila ginawa ang pelikula na tiyak na bubuhay sa pagiging makabayan ng mga Pilipino.
Pinuri ni Bishop Ambo ang bawat aspeto ng pelikula, mula sa teknikal, sa direksiyon, pagkakasulat at maging sa acting ng mga bida sa pelikula na tulad ni Dante Rivero, Enchong Dee at Cedrick Juan.
Ayon sa bishop, maganda ang naging direksiyon ng pelikula dahil kay Direk Jose Lorenzo Diokno, na anak ni Atty. Chel Diokno.
“It will make you appreciate what it truly means to be a “Filipino,” ani Father David.