Miss Nepal, nag trending sa plus-sized confidence sa pagrampa!

Pasabog ang naging pagrampa ni Miss Nepal sa Miss Universe stage.

Pinahanga ni Miss Nepal ang mga sumubaybay sa ginanap na preliminaries ng Miss Universe 2023 competition dahil sa kanyang adbokasiya tungkol sa body positivity na kanya ding isinasabuhay. Kaya naman walang nagtaka na nag trending ang kandidata saan mang sulok ng internet.

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng kumpetisyon, rumampa ang isang plus-sized na kandidata ng walang takot at buong tapang keber ang sasabihin ng ibang tao.

Si Jane Dipika Garrett, isang nurse at business developer, ay iniulat na dumaan sa matinding mga emotional at mental struggles bago ito nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili upang yakapin ang kanyang plus-sized na pangangatawan. Kaya naman ngayon ay ginagamit niya ang kanyang plataporma upang magbigay inspirasyon sa mga tulad niya na huwag magpasakop sa kinagisnang beauty standards ng karamihan.

Bukod sa swimsuit, rumampa din ang plus-sized beauty suot ang eleganteng evening gown at kakaibang aura din ang ipinamalas niya sa entablado

Maagang naging favorite si Miss Nepal ng pageant fans dahil sa kanyang positibong attitude maging sa kanyang mga bloopers. Kailan lamang at na videohan siyang natapilok habang nagsu-shoot ng isang video para sa kumpetisyon pero ipinagkibit-balikat lamang niya ito at bagkus ay tinawanan pa ang sitwasyon.