Matapos i-peg ang mga gala outfits ng fashion icon ni Heart Evangelista sa mga nakaraaang GMA Gala, hindi naman pinalagpas ni Mama Eunice na gumawa ulit ng DIY version ng designer gown ni Miss Heart para sa kanyang cute na baby girl.
Matatandaang nagmukhang walking portrait si Heart na agaw-eksena sa GMA Gala suot ang isang Schiaparelli hand-painted gown. Kaya naman si Mama Eunice, nilabas ang kanyang pagka-art angel para matularan ang patterns sa damit ng Kapuso fashion icon.
Katunayan, tumulong na rin si Indai Eunice sa pagpe-paint ng mga panels kaya nakapag-bonding pa ang mag ina.
Ang ending, nagmukha nga ring artwork ang kanilang DIY gown kaya’t itinodo na ni Mama Rochelle pati sa backdrop at matching Schiaparelli bag.