Mimiyuuuh, netizens, napa-‘sana all’ sa panggigil ni Mayor Vico sa batang fan

Mimiyuuuh, at iba pa, napa-"sana all" sa kinurot na baby boy ni Pasig Mayor Vico Sotto.
Found this article interesting? Help others discover it too!

“Sorry but not sorry” ang naging tila mensahe ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos niyang di mapigilan ang sarili sa panggigigil sa isang batang fan niya.

Sa Instagram post ni Mayor Vico, kitang-kita ang kanyang pagkurot sa pisngi ng kyut na batang fan na may hawak na fan sign para sa anak ni “Bossing” Vic Sotto.

“Sana di siya nagsisi sa pag gawa ng sign,” sabi ni Mayor Vico.

Pinayahag ng batang fan ang paghanga sa opisyal sa pamamagitan ng fan sign ng dumalaw ito sa Barangay Dela Paz sa Pasig City.

“Love U Mayor Vico,” ang nakasulat sa fan sign ng bata.

Madami naman ang napa “sana all” sa karanasan ng batang taga-Pasig, kabilang na dito ang internet personality na si Mimiyuuuh.

“PWEDE BA MAYOR?!?!?!?” tanong ni Mimiyuuuh.

@mimiyuuuh pwede,” sagot naman ni Mayor Vico.

Hindi naman nagiisang netizen si Mimiyuuuh sa kanyang pagsasabi ng “sana all.”

“Ako din mayor willing magpakurot sa pisngi! I volunteer!”

@mimiyuuuh naol mapipisil ni Mayor”

“Mayor, pisngi ko naman next please?”