Nagpasabog ng kilig si Brent Manalo nang maispatang in full support mode sa kanyang fellow Pinoy Big Brother Celebrity Collab Big Winner na si Mika Salamanca.
Nakuhanan ng larawan ang Kapamilya actor habang nasa studio kung saan abala sa isang recording session si Mika, na magrerelease soon ng kanyang album. Nauna na niyang irelease ang kanyang rendition ng “Sino Nga Ba Siya” ni Sarah Geronimo matapos mag-viral ang kanyang childhood videos na kinakanta niya ito.
Sa mga pictures na shinare ng Star Music sa social media, makikita si Mika sa booth habang si Brent ay nakaupo sa labas, nakatutok sa ginagawa ng kanyang former partner sa Bahay ni Kuya.
Agad naman napa-react ang mga MikBrent shippers sa comment section at hindi napigilang kiligin sa ipinakitang suporta ng aktor.