Maraming oras ang ini-invest ng mga magsasaka para magkaroon ng pagkain pero karamihan dito ay napupunta lamang sa food waste.
Ngunit nang dahil sa pinagsamang proyekto ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (Searca), isang non-profit organization, at socio-technoprise AppGeese Inc. natuto nang yakapin ng mga magsasaka sa Liliw, Laguna ang digital platform simula noong 2020.
Naging kakaiba na ang paraan nila upang ibenta ang kanilang paninda kagaya ng mga gulay na cabbage, string beans, chayote, radish, hindi lamang sa kanilang lugar maging sa labas ng probinsiya
Dahil sa AgriEx application, na pinadali ng AppGeese, ang Liliw Upland Farmers Marketing Cooperative (LUFAMCO) ay dumaan sa mga transformative activities kagaya ng field visits, packaging and sorting training, at digital marketing introductions, ulat ng Inquirer.
“The platform facilitated seamless transactions, ensuring prompt produce pick-ups and immediate payment through e-money transfer, surpassing prevailing market prices,” ayon yan kay Marvin Felices, ang coordinator ng mgamagsasaka.
Nagpasalamat naman si LUFAMCO president Enrico Arvesu sa proyekto dahil mas lumawak na ang naaabot ng kanilang paninda.
“This opens more opportunities for our group, and online marketing gives us the opportunity to reach more customers beyond our local area. We truly saw our potential,” ayon kay Arvesu.