Mga rookie Kpop idols ng DXMON, usap-usapan dahil sa mala-Dragonball hairstyle

Tiis ganda ang peg ng dalawang bagong Kpop idols mula sa DXMON sa kanilang mala-Dragonball na buhok.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sanay na ang mga fans sa makukulay na buhok at hairstyles ng mga K-pop idols pero iba ang naging dating ng dalawang miyembro ng DXMON na nakatakdang mag-debut sa susunod na taon.

Sa kanilang pre-debut showcase sa 2023 Genie Music Festival, naging usap-usapan ang buhok ng mga miyembrong sina Jo at Hee.

Paano nga naman, parang mga nabuhay na anime characters ang pormahan ng dalawa. Ang isa ay parang na-inspire kay Gokou Super Saiayan Red habang ang isa naman ay parang si Trunks sa kanyang blue hair.

Marahil ay lalong lumutang ang hairstyle ng dalawa dahil kung ikukumpara sa kanilang kapwa members ay napakasimple ng style ng mga ito.


Ilan sa mga K-pop idols na nagpasikat ng mga kakaibang hairstyles ay walang iba kundi si Dara sa kanyang pineapple hairstyle, at si Changmin ng TVXQ na nagpasikat ng sea urchin hair.

Bumilib nga ang mga netizens kina Jo at Hee dahil wika nga ni Dara, ay napakasakit at napakatagal ayusin ang ganitong klaseng mga hairdo.