Usap-usapan ngayon sa social media ang mga nagva-viral na post tungkol sa mga adults na ngayon lamang nakakabili ng mga bagay na mailap sa kanila noong kanilang kabataan. Kaya naman ang isang post sa platform na X, nagtanong sa mga Pinoy kung ano nga ba ang una nilang nabili noong afford na nila.
Since hot topic ngayon ang acknowledging your inner child, ano ang una mong binili noong may sweldo ka na na dati pangarap mo lang mabili?
— oƃᴉñʎ (@_ynigo) November 2, 2024
Nakakaantig ang kanilang mga naging sagot dahil marami ang nagsabing simpleng pagkain lang sa fast food na hirap silang maranasan ang kanilang naging personal splurge. Ang iba naman ay nanlibre sa mga magulang sa unang sahod.
Meron ding bumili ng mga laruan na dati ay pangarap lamang nilang makamit. Siyempre meron din namang nag-ipon para makabili ng magagandang phone at gadget bilang reward sa kanilang mga sarili.
Malibre ng food sila mama and papa sa unang sweldo ✨ Actually di ko na maalala if siopao or andoks manok ba yung binili ko, pero naalala ko pa din super saya namin kumain nun 🥰🫰💙
— Ekisa🪽 (@Moyyere) November 2, 2024
Books kasi binabasa ko lang yung Harry Potter na photocopy before. 🪄🧙♀️
— 🍌 (@banana_cultist) November 2, 2024
Kumain sa jollibee…….!
mababaw man pero sobrang sarap sa feeling. Grew up with a single mom na mahilig magpabuntis kaya ako as panganay walang childhood. Sa 21 years ng buhay ko,,,,,,bilang lang sa 10 daliri ko kung ilang beses lang ako nakakain sa jollibee. I'm so happy na…— ❖Mʀ.𝐏𝐀𝐍𝐃𝐄𝐘 जी (@SukhshantDELED) November 2, 2024
mga action figures hahaha
— kabulastugan (@kblstgn) November 2, 2024
Since hot topic ngayon ang acknowledging your inner child, ano ang una mong binili noong may sweldo ka na na dati pangarap mo lang mabili?
— oƃᴉñʎ (@_ynigo) November 2, 2024
Unang sweldo? Binili ko yung action figure na lagi ko lang tinititigan sa mall noon. Parang simpleng bagay, pero nung nakuha ko siya, biglang may closure yung bata sa loob ko. Literal na 'healing my inner child' moment!!!!!!
— Rakesh Godara (@Godara6761) November 2, 2024
Masaya naman ang lahat at na-good vibes sa suportang kanilang nakuha sa mga kapwa kapos din habang lumalaki na ngayon ay nakakaluwag luwag na sa buhay.