Mga Pinoy Gen Z, doble ang ginugugol na oras sa vlogs kaysa buong mundo

Ayon sa Digital 2024, mga Pinoy na Gen Z na nasa edad 16 hanggang 24 ang nangunguna pagdating sa panonood ng mga vlogs o influencer videos kada linggo.

Pinoy pa rin sakalam! Mga Pilipino pa rin ang pinakamalakas manood ng vlogs at influencer videos sa buong mundo, ayon sa Digital 2024 study.

Mga Pinoy na nasa edad 16 hanggang 24 ang nangunguna pagdating sa panonood ng mga vlogs o influencer videos kada linggo na umaabot sa 50.7%. Ito ay higit sa doble ng global average, ayon sa Digital 2024, ang annual report sa worldwide social media and digital trends ng Meltwater at We Are Social.

Dagdag pa sa report ng Rappler, halos kalahati ng lahat ng Filipino social media users o 43.9 % ang naka-follow sa mga influencers o ibang expert sa social media.

Pang apat din ang mga Pinoy pagdating sa oras na ginugugol sa social media araw-araw na nasa tatlong oras at 34 minuto, isang oras na mahaba kung ikukumpara sa world average na nasa dalawang oras at 23 minuto.

Dagdag pa ng ulat, kahit anong online videos kada linggo ang pinapanood ng mahigit 97% na internet users sa Pilipinas. Patok rin sa 58.3% na mga Pinoy internet users ang panonood ng educational videos tulad ng mga how-to at tutorial videos.