Matapos ang matinding hulaan, confirmed na ang venue at date ng “rAWnd 3: The Finale” ng Sexbomb Girls.
Usap-usapan na naman sa mga pinalaki ng SexBomb Girls ang post ni Rochelle Pangilinan na locked and loaded na ang kanilang concert sa Mall of Asia Arena sa Feb. 6.
Ani Rochelle, mas pinaghandaan pa nila ang kanilang finale concert dahil gagamit na sila ng pangmalakasang 360 stage para lalong ma-appreciate ng kanilang fans ang kanilang choreo.
Dagdag pa ni Rochelle, kahit na maraming fans ang nag-expect na gaganampin na sa Philippine Arena ang kanilang concert, isinaisip din nila ang proximity ng venue para mas marami ang makapunta.
Kahit next week pa magiging available ang tickets, marami na ang ready na makipagdigma para maka-attend, especially yung mga Team Bahay sa unang dalawang concerts.
“Nagresign na ako! Para kahit weekdays laban na hahahah”
“Yey!!! OMG. SANA MAKABILI AKO TICKET. GRABE NAUBUSAN AKO NUNG 2 EVENTS HUHU”
“ilaban na natin saka na natin isipin ung flavor ng pancit canton na uulamin hahaha”