Nagdala ng good vibes sa mga netizens ang pagpapakitang gilas sa entablado ng Bugsayan Festival 2024 ang mga pari ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP).
Sa TikTok post ni netizen Katya Santos, makikita ang mga pari sa ilalim ng St. Ezekiel District ng AVPP na ganadong ganado sumayaw sa stage. At hindi lang basta sayaw ang ipinamalas ng mga pari dahil humataw sila sa mga usong kanta ngayon gaya ng “APT,” “Salamin Salamin,” at “Ice Cream Yummy.”
@katyasantosph Special dance number of AVPP Clergy (St Ezekiel District) during Bugsaya Festival 2024 #tiktokmashup #dancingpriests #puertoprincesa #goodvibes #bugsayanfestival2024 ♬ original sound – katyasantosph
Sumayaw ang mga pari sa taunang selebrasyon ng Bugsayan Festival sa Palawan.
Hindi naman magkamayaw ang manonood at maging mga netizens sa pagpapakitang gilas ng mga kadalasang seryoso na mga pari.
“at sinong magsasabing boring ang buhay pari ahahaha”
“ang saya naman.sa amin may singing priests, dancing priests naman po sa inyo..”
“Nakaka good vibes Naman itong mga talented priest na ito. nawAla stress KO Nong Makita ito”
“napangiti ako habang nanonood,galing ng mga father”
“enjoy lang Ang buhay mga father”