Mga Marites, magbunyi! Sign of creativity ang pagkahilig sa tsismis, ayon sa pinakamatalinong tao sa mundo

Vindicated ang mga Marites na mahilig sa showbiz chismis dahil ang pinaka henyong tao sa mundo mismo ang nagsabing ito ay tanda ng pagka-malikhain.

Mukhang may positibong dulot naman ang pagkahilig sa celebrity at entertainment news dahil ayon kay Younghoon Kim, na kilala bilang pinakamatalinong tao sa mundo, ang pagkahilig dito ay maaaring indikasyon ng pagkakaroon ng malikhaing pag-iisip.

Ani Kim, na may IQ na higit sa 276, na halos doble ng lebel ng genius, kahit siya ay abala sa kanyang trabaho bilang akademiko na may specialization sa neuroscience, biomedical engineering, at finance, mahilig din siyang makibalita tungkol sa showbiz at K-pop.

Sa isang panayam sa Us Weekly, inamin ni Kim na nakakatulong sa kanyang anxiety ang pagbabasa ng mga celebrity news dahil ito ay repleksyon ng kultura. Aniya, interesanteng malaman ang tungkol sa buhay ng mga artista at nakakapulot din siya dito ng inspirasyon sa pang araw-araw na buhay.

“Celebrities are incredibly innovative. They inspire us to think differently and motivate us to become better versions of ourselves. Pop culture is always evolving, and that’s part of what makes it so energizing,” aniya.