Walang panama ang tirik ng araw sa naisip gawin ng ilang manggagawa sa isang ice factory para literal na maging chill ang kanilang inuman session.
“Init ka lang, factory kami ng ice,” banat ng OP na nagpapakita sa kanyang mga katropa na napapalibutan ng 15 malalaking bloke ng yelo habang nagkakasiyahan.
Nainggit naman ang mga kapwa Pinoy na ngayon ay dumaranas ng nakapanghihinang init na dulot ng El Niño.