Dahil sa pagsisimula ng Pasig City government ng pagbibigay ng emergency Go Bag sa mga PasigueƱo, mukhang dumarami na ring local na pamahalaan ang kumakasa sa hamon ng pagbibigay ng importanteng mga kagamitan bilang paghahanda sa sakuna.
Lumutang kamakailan lang na ang Quezon City ay gumawa din ng sarili nilang bersyon ng Go Bag na tinawag nilang ResQC na naglalaman ng first aid kit at emergency supplies. May kasama ring transistor radio para patuloy na makasagap ng balita kahit walang signal sa telepono.
Ang Tanay naman ay nakahabol din pero para sa ngayon ay per sector muna tulad ng mga guro, PNP at first responders.
Ayon kay Pasig Mayor Vico, natutuwa naman siya at ginagawang ehemplo ang kanyang lalawigan at sinabi rin niya na ang buong Go Bag ay nagkakahalaga lang ng mababa pa sa Php1,000 dahil sa kanilang transparent bidding process.