Mga lodi! 5 Pinoy scholars, ready na sa Ivy League university life sa US

Limang Pilipinong estudyante mula sa mga probinsya ang makakapag-aral na sa mga top universities sa US matapos matagumpay na nakakuha ng scholarship grants sa ilalim ng EducationUSA ng US Embassy.

Matutupad na ang pangarap ng limang Pinoy na estudyante na makapag-aral sa magagandang unibersidad sa Estados Unidos matapos nila dumaan sa College Prep Program (CPP) ng EducationUSA ng US Embassy.

Kinilala ang mga estudyante na sina Kyle Abello, Keene Dampal, Matt Sareno, Bea Sanagustin at Ellen Yabut na mula sa Iloilo, Davao, Leyte, at Zamboanga.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, covered ng CPP ang financial support para sa kanilang exams, review materials, applications, at submissions sa napili nilang unibersidad sa Amerika.

Ang CPP ay isang programa na tumatakbo ng 18 buwan para ihanda ang top 15 applicants para sa proseso ng pag-aapply sa kolehiyo at scholarship sa US. Nasa ikatlong taon na ang programang ito sa Pilipinas.

“The people-to-people ties including student programs and student exchanges are absolutely essential to maintaining that trust and understanding [between the Philippines and the [US] so that we can be partners in prosperity and iron-clad allies. So, students are a big part of our people-to-people ties,” ayon pa kay Carlson sa ulat ng GMA News Online.

“These bridges that are built between the students of the Philippines and students in the United States are very important as a foundation for the future ties between the United States and the Philippines,” dagdag pa niya.

Ang survivor of the Yolanda super typhoon in 2013 na si Kyle, mula sa Tacloban City, ang isa sa nabigyan ng scholarship. Nais ni Kyle makapag-aral ng engineering sa Princeton University.

“As a son of two government workers, I see with my own eyes how detrimental the systemic problems of the Philippines affect the lives of many. So, as a scholar, I can help with bringing back my knowledge of what I’m taught in university abroad and also giving back to the community in Science and Innovation,” ani Kyle.