Nagmistulang “Minute to Win It” ang peg ng ilang komyuter na todo-takbo para makahabol sa huling biyahe ng LRT-2.
Sa isang nakakaaliw na TikTok video ni @jrsd_mng, tampok ang barkada niyang parang contestants sa isang game show na pabilisan ng takbo.
“Us kasi 9:25 na sa LRT 2,” kwento ng uploader. At dahil 9:30 paalis ang last trip, nagkandarapa sila para hindi maiwan.
@jrsd_mng tapos 9:30 na aalis na yung train, nakasakay p naman 😇☝️#fyp ♬ Confess Your Love – Jiandro & ola.wav
Syempre, relate na relate ang mga netizens at bumuhos ang mga nakakatawang komento:
“Ang dulas pa naman dyan HAHAHAHA”
“yung akin 9:28 pm sa entrance tas sabi ng guard closed na raw. ayun nag move it from recto to cainta”
“HAHAHAHAH DANAS 😭😭😭 buti nagmakaawa yung isang kasama namin that time”
“HHSHHSHSHSHA laging clutched e”