Para sa millennials na lumaki noong 90s na batak sa mga laro na tulad ng Chinese garter, good news para sa inyo!
Pati ang mga bagets na Gen Z ngayon ay sumusubok na ng sikat na laro na ito at mukhang na e-enjoy naman nila ang pagpapahinga mula sa mga online games at social media.
Sa isang TikTok post ni Dion Adala, sinabi niyang napagtripan lang nilang magkakaklase na bumili ng jackstone sabay subukan na rin ang mga larong 90s kahit isang dekada pa ito nauso bago sila pinanganak.
Kaya naman ang buong klase ay nahikayat na sumali at mag cheer sa mga “mother” na pilit binubuhay ang kanilang mga anak para makaabot sa next round.
Sa larong Chinese garter, kailangang mai-clear ng bawat player ang pagtalon sa garter na tumataas kada stage. Maraming teknik ang maaring gamitin para mabuhay tulad ng mala-limbo rock at Matrix na galawan. Meron ding mala-Crouching Tiger Hidden Dragon na epek pero kapag na dead na ang mother ay dead na din ang buong team.
@iadaxo Hindi na nakatira kalaban nya nya nya🤪 #fyp #fypシ #winner #mother ♬ Pamela – Yosh🇵🇭
Dahil sa post ay marami ding batang 90s na naengganyo na din biglang maglaro ng Chinese garter.
“makapag Chinese garter din tayo HAHAHAHAHAHA”
“Gawain mo nung second year!”
“Tapos napunit yung slacks”
“Next Friday magdala ako”