Mga Gen Z, may witty sagot sa mauusisang Tita sa family reunion

Ang solusyon ng isang content creator para sa mahabang mga katanungan ng mga kamag anak sa reunion, umaliw sa maraming Gen Z.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwing may reunion sa pasko at bagong taon ay hindi talaga maiwasan sa kulturang Pinoy ang kumustahin ang estado ng buhay buhay ng bawat isa. Kaya naman hindi na bago sa mga kabataan ang mga tanong na may asawa ka na ba? Kailan kayo magkakaanak, at ang hindi nawawala — tumaba ka!

Ang isang Gen Z content creator, may naisip na paraan para maiwasan ang pagka-offend sa mga taklesang pang uurirat sa kanya kanyang buhay.

Ang kanyang solusyon? Unahan mo na.

Imbes na hintayin ang mga kamag anak na magtanong at magkumpara, mas mainam aniya na sa sagutin na ang mga bestselling questions kahit hindi pa ito tinatanong. Sabihin na agad ang estado ng lovelife, pamilya, pinansiyal, trabaho at pangangatawan, para nang sa gayon ay updated na agad ang lahat at mas marami nang time para maki-party.

Aliw naman ang mga suki sa ganitong katanungan,

“HAHAHAHAHAHAHA juskooooo kung pwede langggg hahaha”

“pag ganto mag piprint na lang ako ng flyers. or qr code para basahin na lang nila at di na nila ko kausapi. haha😂”

“Ay sige ganito na din panimula ko family reunion 😂 Unahan na natin?”

“Hahahahaha wait langggg di ko pa nalilista lahat 😂”