Mga fur parents, naantig sa asong inalay ang kanyang higaan para masigurong komportable ang kanyang mga stuffed toy

What’s mine is yours ang atake ng isang shih tzu na pinahiga ang kanyang mga paboritong laraan sa kanyang higaan.

Kinagiliwan ng mga fur parents ang isang alagang aso na halos ialay ang buong higaan nito para masigurong may mahihigaan ang kanyang mga paboritong laruan.

Ibinahagi ng isang furmom na si Marites Peña (@aling_maritesss ) sa TikTok ang nakakaantig na eksena kung saan makikitang maingat na inayos ng kanyang Shih Tzu ang higaan para sa mga panda bear na stuffed toy nito.

Sa video, makikitang nasa pinakadulo na lamang ng higaan ang aso, pilit na pinagkakasya ang ulo sa natitirang espasyo, na para bang sinasalamin ang isang sakripisyong ginagawa para sa mga minamahal.

@aling_maritesss Kahit wala na sya space sa higaan ok lang basta nasa higaan nya lahat ng favorite toys nya 🥰#dog #doglover #fyp #foryou #foryoupage ♬ Glue Song (Kids Choir Version) – Amazon Original – beabadoobee

Hindi naman napigilan ng mga netizens na ma-touch sa pagiging maalaga ng aso:

“syempre friends nya yan, priority yan”

“Inaalagaan nya toys nya. Cute baby🥰”

“Wow naman ❤ maingat sa toys ang baby tzu na yan”

“napalaki nyo po siyang mabuting doggo 🥺✨🥰”

“HAHAHAHAHSHHSHS APAKS CUTE SO MUCH NAMAN NG BATANG IYAN”