Ligayang-ligaya ang Miss Grand International runner-up na si Gotchabell Gotchapan ng Thailand sa kanyang unang experience na makatikim ng Jollibee.
Sa kanyang post, well-documented ang kanyang pagkain na ipinadala sa kanyang hotel room kabilang na ang Chickenjoy, Jolly Spaghetti at burger steak.
Ayon kay Gotchabell, looking forward talaga siya sa Jollibee dahil nga marami na siyang narinig na rave review mula sa ibang foreigner tungkol dito. Kinamay na nga rin niya ang fried chicken para lalong ma-feel ang sarap sa bawat kagat.
Para naman sa mga Pinoy na naging fan na ng Thai beauty queen, bet na bet nila ang reaksyon nito sa kanilang paboritong fast food.
May mga nag-suggest pa nga na gawin siyang endorser ng brand dahil sobrang sarap nitong panooring kumain.
“Pls. Jollibee make Belle your next endorser. Ang sarap niya tingnan habang kumakain.”
“Can you bring Jollibee here in Bangkok ”
“sout out Jollibee gawin nyong endorser c Gotchabell Gotchapanfor the first time to eat Jollibee”