Para sa ilang estudyanteng, ang sabayang pagbigkas ay hindi lang nangyayari sa entablado, pati na rin sa jeep ay performance level.
Sa TikTok vieo ni @dumpnijambi, makikita ang mga estudyanteng nakasakay na nag-aalangan paalalahanan ang jeepney driver tungkol sa kanilang sukli.
Dahil nahihiya silang magsabi isa-isa, naisip nilang sabay-sabay na lang bumigkas ng, “Kuya, ‘yung sukli po sa 50, salamat po!”
Kompletong-kompleto ang eksena, dahil may lider at maayos ang timing kaya nagmistulang mini-performance na may halong pangangaroling ang ganap sa loob ng jeep.
@dumpnijambi Over naman sa hiya!!! #fyp ♬ original sound – Jambi
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa kanilang creativity:
“Ginawang group project HSHSHSH”
“HAHAHAHHAAHHHHAHAHAH SABAYANG PAGBIGKAS”
“parang nangangaroling 😭”
“HHAHAHAHAHAHAH ano yan, pasyon?? 😭😭”