Para sa marami, ang mga bumbero ang bida sa tuwing may nasusunog na bahay, building, o maging sasakyan. Pero ang Baguio City Fire Station ay may kakaibang dedikasyon sa pagliligtas ng mga hayop na nasa peligro.
Sa Facebook post ng Baguio City Fire Station (BCFS), makikita ang mga bumbero na matapang na niligtas ang isang pusa na nabalahaw sa isang malalim na bahagi ng Botanical Garden sa Baguio City.
“This heartwarming incident showcases the dedication of the fire station’s team, not only to fire safety, but also to the welfare of the community and its animals,” sabi ng BCFS.
“Their swift action in this situation exemplifies the spirit of service that defines the Baguio City Fire Station, reinforcing their commitment to protecting both lives and the environment,” dagdag pa nito.
Panay papuri naman ang tinanggap ng BCFS mula sa mga netizens dahil sa pagpapahalaga nila sa mga fur babies.
“Grabe po yung pagpapahalaga nyo sa mga pusa/aso dito sa lugar natin nakakahanga po kayo! Walang pagdadalawang isip na tumulong lagi sa kanila”
“sana maging inspirasyon din po kayo sa ibang lugar na hindi tao lang ang kailangan tulungan maging ang ating mga furryfriends dahil parehas natin na may buhay din..Saludo po ako sa inyo!”
“Nakakabilib ang BFP sa Baguio. Respect.”
“Wow! Thank you for the care to rescue also a cat.”