Kahit saang panig ng mundo, karaoke is life para sa mga Pinoy. Kaya naman ang isang Pilipinong bumirit ng “My Heart Will Go On” sa gitna ng isang umpukan, agad nag-viral at nagpahanga maging sa mga dayuhan.
Napahanga ng singer ang lahat ng banatan nito ang chorus ng theme song ng “Titanic” na kinanta ng walang iba kundi si Celine Dion. Ang nakakagulat pa, lalaki ang kumanta at nakaupo lang siya habang inaawit ang kantang nakakaputol-litid pagdating sa iba.
Kaya naman marami ang nagsabi na kung Olympic sport ang pagkanta, tiyak na humakot na tayo ng gintong medalya.
“Million-dollar performance while seated in a $1 chair”
“No one around him is even impressed because there is so much raw talent in the Philippines that you can hear a groundbreaking performance like this several times every day.”
“when you have the voice of celine dion but the face of manny pacquiao.”
“And he’s not even trying 😭”