Mga bagong graduate na inhinyero, pumarada nang naka-costume sa Star Wars Day

Agaw-eksena ang pagparada ng mga graduates sa isang university sa Arizona.

Kung isa kang fan ng Star Wars franchise, matutuwa ka din sa graduation march ng mga engineers nang matapat ang kanilang ceremony sa mismong Star Wars Day.

Agaw-eksena ang mga bagong inhinyero sa isang university sa Arizona na pumarada sa stadium suot ang ilang costumes hango sa sikat na sci-fi franchise. Hindi din mapigilan na ilan na magpamalas ng kanilang light saber skills habang nagmamartsa.

Mas lalong tumawag ng pansin ang kanilang cosplay march nang patayin ang ilaw sa venue kaya’t lalong lumutang ang kulay ng bitbit nilang light sabers.

Idineklara ng fandom ang May 4 bilang Star Wars Day dahil malapit ang petsa sa katagang May the Force (4th) be with you.”