Mga bagets inokray ang Dunkin’ Donuts na pang ‘tanders’; Mga tito at tita may nakakatawang resbak

Laugh trip ang naging usapan sa thread ng Titos and Titas of Manila page at nagkaalaman kung sino ang tunay na fans ng Dunkin’ Donuts.
Found this article interesting? Help others discover it too!

‘Triggered’ ang mga titos at titas of Manila na sa simula ay tahimik lamang na nakikinig ng usapan ng mga bagets tungkol sa kanilang mga paboritong donut.

Batay sa post pomosong FB group na Titos and Titas of Manila, ilang mga titas ang naghihintay sa Rodic’s sa Diliman ng may mga senior high school students na nagkwentuhan tungkol sa pagkain. Siguro ay napalakas ang diskusyon ng mga kabataan kaya’t na marites na ng mga titas ang gist ng kanilang usapan.

Una daw binanggit ng mga bata sa mga nagustuhan nilang donut ang Mr. Donut, hanggang nauwi na sa Starbucks. Ayos naman ang naging takbo ng usapan ngunit may isang humirit: “Yung Dunkin’ Donuts, pang matanda yon.”

Marahil ay lumaki sa Dunkin, todo react naman ang OP, ng pabirong hirit: “Nakaka offend.”

Bumenta naman ito sa mga nag comment at kanya-kanyang react naman ang mga naka-relate sa edad.

“Excuse me Kids?!? Choco Butternut paved the way for chocolate donuts. Set the standard real high, and literally unmatched!”

“Ung Dunkin para sa may sariling pambili, ung Mr Donut para sa nanghihingi lang ng pambili…. triggered. Haha”

“Huy! Wag ganon”

“Harsssh naman!”

“Asan na ba yang batang yan”

“HOY THE AUDACITY”

Ang masasabi lang namin, Choco Butternut da best! What say you, Dunkin’?