Mga A’TIN, mag ingay! SB19 Jah de Dios, maglalabas ng bagong single

May pasabog na paparating galing kay SB19 Jah sa darating na Pebrero 29.

Huli man daw at magaling, magaling pa din! Maglalabas na ng kanyang solo track ang bunso ng SB19 na si Justin o Jah de Dios sa darating na Pebrero 29.

Sa kanyang official Facebook announcement, nagbagsak ng teaser si Jah at sinabi ang title ng kanyang solo na pinamagatang “Surreal.”

Samantala, excited din ang mga A’TIN sa magiging music video ni Jah dahil alam nila na magaling itong gumawa ng mga videos.

“congrats in advance bunso where. So Happy sa Mga bagong pasabog.Mo booogsh”

“Congrats…so proud of you Jah! Keep showing your creative side to the world”

“The trailer is very Direk JDD coded”