Mga Amerikanong estudyante, nang prank ng biglang mag Ilonggo sa mga kaklase

Ginamit ng mga dating misyonaryo na sina Michael at Dane ang natutunang salitang Hiligaynon/Ilonggo para magbiro sa kanilang mga kamag-aral.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Maraming uri ng prank ang mapapanuod sa internet pero bihira siguro ang tulad ng napaka-wholesome na prank na ito kung saan dalawang estudyanteng sina Michael at Dane ng Utah Valley University ang natuto ng wikang Ilonggo habang nasa mission sa Pilipinas.

Dahil sa kanilang bagong natutunang dayalekto, nagbalak silang magbiro sa kanilang mga kaeskwela gamit ang wikang Hiligaynon.

Sa isang vlog na inupload ng AC Motovlogg, sinabi ng dalawang prankster na nais nilang gulatin ang kanilang mga kaeskwela sa kakaibang dayalekto na maaaring hindi pa nila naririnig dati.

Nang makapili na ng kanilang bibiktimahin, lumapit si Michael sa isang estudyanteng nag-aaral sa common area ng university na nagpakilala bilang si Jason. Walang kaalam-alam si Dane na kasabwat pala ito ni Michael kaya’t nang magsalita ng Ilonggo si Michael at sumagot din sa wikang ito si Jason, mas nagulat pa si Dane sa pangyayari.

It’s a prank!