Mga alagang aso nag-joyride sa e-jeepney sa Bulacan, pinasaya ang mga pasahero!

Mag-inang Golden Retrievers huli ang kiliti ng netizens sa aliw na pagsakay sa e-jeepney sa Bulacan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa kakaibang trip ng mag-inang Golden Retrievers na sumakay ng e-jeepney kasama ang kanilang fur mom sa Bulacan.

Sa Tiktok video na pinost ni Anika & Sho-be, makikita ang dalawang aso na tahimik na naghihintay sa pagdating ng e-jeepney para makasakay.

Matapos ang pagpara sa modern jeepney, maayos na sumakay at pumwesto sa dulo ang dalawang aso.

“Anika and Sho-be. Mag-inang kutis goldie. The explorers,” sabi sa Tiktok post.

Masayang ikinagulat naman ng ibang mga pasahero ng e-jeepney ang pagsakay ng dalawang aso.

@maginangkutisgoldie

Anika & sho- be Maginangkutisgoldie. The explorer gentle baby’s

♬ original sound – Anika & sho-be

Makikita sa video na giliw na giliw ang mga pasahero, mapa bata o matanda, sa kanilang mga kasamang aso.

Hindi naman nagpadaig ang ilang netizen matapos nilang magpahayag ng tuwa at kagustuhang makasabay din sila Anika and Sho-be.

“Halaaa ang cute, taga area f lang po ako may mga golden retriever din po akoo hehe”

“sana makasabay ko kayo soon taga area c lang ako and may gr rin”

“ang bait ang galing nakakatuwa ang sayang kasama ingat kayo lagi!”

“Ang cute! Take care babies!!”

“henlooo, gusto ko kayo makasabay sa modern jeep”