Mga Aeta sa Capas, Tarlac na masigasig sa pag-aaral nagpaantig sa netizens

Walang makakapigil sa taong gustong matuto, tulad ng lang ng mga Aeta sa Capas, Tarlac.

Napabilib ang mga netizen sa isang TikTok video kung saan makikitang masigasig na nag-aaral ang mga Aeta.

Walang pinipiling edad, masayang tinuturuan ng Liwanag at Dunong, isang non-government organization, ang mga Aeta sa Capas, Tarlac.

Sa video na binahagi ni Adrian (@siadrianito) sa TikTok, kitang-kita ang kasiglahan ng mga Aeta sa pag-aaral.

Bawat tamang sagot ng mga Aetang estudyante ay sinasalubong ng palakpakan at papuri mula sa mga volunteer teacher. Makikita rin sa mukha ng mga katutubo ang ligaya at pasasalamat.

@siadrianito_ Walang pangarap na imposible para sa taong may pusong malaki. Tara sa komyu! Samahan niyo kami sa darating na linggo @Liwanag at Dunong 🌻 #edukasyonparasalahat #fyp #fypシ゚viral #CapCut ♬ What Dreams Are Made Of WEDDING by Brent Morgan – Brent Morgan

“Wala tayong karapatan na sukuan sila dahil hindi rin sila sumusuko sa mga pangarap nila,” ang caption ni Adrian sa kanyang video.

Naantig naman ang mga netizen sa nasabing video.

“Nakakaiyak naman to,” ayon kay TikTok user na si GRACE na may crying emoji pa.

“THANK GOD FOR DOING THIS PO!!🥺❤️”

Halos lahat ng komento ay nagpahayag ng interes na maging volunteer teacher.