Memories are what matters: Gretchen Barretto, mas masaya sa buhay na walang social media

Mas mapayapa ang buhay ni Gretchen Barretto ngayong hindi na siya nag so-social media.

Hindi tinatantanan ng kontrobersiya si Gretchen Barretto noong siya ay aktibo pa sa Instagram. Mula sa kanyang mga mamahaling gamit, magarbong mga handaan, maging ang pagkahilig sa sabong ay pinupuna ng mga netizen. Hindi nakakapagtaka na kalaunan ay tumigil na itong mag post tungkol sa kanyang pribadong buhay.

Sa isang bagong vlog ni Dr. Aivee Teo ng The Aivee Clinic, nakatsikahan nito ang matalik na kaibigan tungkol sa mga bagay bagay na na-realize nito sa haba ng panahon nito sa showbiz.

Ani Gretchen, sanay naman siya sa kultura ng mga bashers kaya’t hindi na ito bago sa kanya. Nabanggit niya din na dahil maaga siyang pumasok sa mundo ng showbiz ay marami din siyang mga bagay na namiss out noong kabataan nya na siya naman niyang binawi noong siya ay nasa 30s na. Aniya, wala siyang pinagsisihan sa mga kalolohan at kabaliwan na kanyang ginawa dahil ito ay nagbunga ng magagandang alaala.

Wala ding pinagsisishan si Gretchen sa pagtalikod sa social media dahil aniya, mas may panahon na siya ngayon sa mga bagay na mahahalaga.

“I like the more peaceful Gretchen now, the older, the more mature, more confident – I’m more sure of myself. I like it, and there’s nothing wrong with liking peace,” aniya.

Aniya mas malaya na siya ngayon na gawin ang mga bagay na gusto niya na hindi kailangang isipin ang magiging dating nito sa iba. Dagdag pa niya, alam niya na ang mga nagpapahalaga sa kanya ngayon ay ang mga taong hindi nagpapabida lang sa kanya para mai-post sa social media.

“I have freedom to do what I want to do with all sincerity. I don’t do things out of wanting to show people and I feel people more because I also feel their sincerity. When they give me something, its because they know what I want. It’s not the value of what you’re giving me because you know ok, she’s going to post it,” paliwanag niya.

Hindi rin siya natatakot na mawalang ng relevance at clout dahil sa pagiging tahimik niya sa Instagram. Aniya, kahit kailan ay hindi siya magiging irrelevant dahil mas lalo ngang naiintriga ang mga tao kung hindi nila nalalaman ang mga pinaggagawa niya sa buhay.

“You have to empower yourself and you can turn off your social media and know, deep in your heart that you are (relevant),” aniya.

Ani Gretchen, ang isang bahay na natutunan niya ay ang pahalagahan ang mga alaala ng mga magaganda at masasakit na nangyari sa buhay dahil baling araw, hindi naman mahalaga kung ano ang mga materyal na bagay, kundi ang mga alaala ng mga bagay na nagpasaya at nagpaluha sa bawat isa.